ABS-CBN

FALSE

Isang impostor o pekeng account ang Facebook page na may pangalang 'Halalan 2022'

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Isang impostor o pekeng account ang Facebook page na may pangalang 'Halalan 2022' (@VoteSafePilipinas2022) na nagpapalabas ng livestream ng iba't-ibang news outlets kasama na ang ABS-CBN News. Nangangako rin itong magpapakita umano ng live voting results. Upang makalito ng mga tao, ginagamit ng nasabing pekeng FB account ang profile picture at cover photo ng opisyal na Facebook page ng Comiision on Elections (@comelec.ph). Ayon kay Comelec Education and Information Department Director Frances Arabe, 'fake' ang nasabing Facebook page.
Ayon sa page transparency ng pekeng Facebook page, ginawa ito nito lamang Mayo 6.
Paalala ng Comelec, kumuha lamang ng impormasyon sa kanilang opisyal at verified na social media pages.
Source: Isang impostor o pekeng account ang Facebook page na may pangalang 'Halalan 2022'