ABS-CBN

FALSE

Hindi totoong diskwalipikado na si presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Hindi totoong diskuwalipikado na si presidential frontrunner dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., taliwas sa mga kumakalat sa social media. Sa katunayan, ngayong araw, Mayo 10, kinumpirma ng Commission on Elections en banc ang naunang desisyon ng mga dibisyon nito na ibasura ang tatlong disqualification cases laban kay Marcos at isang petisyon para kanselahin ang kaniyang kandidatura.
Nangunguna sa partial, unofficial results mula sa Comelec aggregated data si Marcos na mayroon nang halos 31 milyong boto (as of 3:47 pm).
Source: Hindi totoong diskwalipikado na si presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.