Probe

FALSE

Tsek/Eks: May nag-tweet! May bagong statement daw si outgoing Vice President Leni Robredo. Ang target: ang bagong gobyerno.

Walang ganitong statement si Robredo na naiulat kahit saan mang lehitimong news organization. Lumabas ang fake tweet ilang araw matapos i-anunsyo ng outgoing VP ang paglulunsad ng Angat Buhay NGO sa July 1 sa thanksgiving event ng kanyang supporters sa Ateneo De Manila University noong Mayo 13. Inaasahan ang NGO na maging pinakamalaking volunteer network sa bansa.

Source: Tsek/Eks: May nag-tweet! May bagong statement daw si outgoing Vice President Leni Robredo. Ang target: ang bagong gobyerno.