covid-19 pandemic
Hindi totoong may ipinamimigay na ayuda ang gobyerno para sa mga nagpabakuna kontra COVID-19. Ang mga video na in-upload ng YouTube Channel na 'MJ Journals' ay nirepost lamang na mga orihinal na ulat ng PTV noon pang 2021 tungkol sa ayuda ng gobyerno para sa mga naapektuhan ng pandemya. Nilagyan ni MJ Journals ang mga nasabing ulat ng 'clickbait' na headline upang palabasin na ang mga ayuda ay para sa mga nabakunahan kontra COVID-19.