FALSE

Tsek/Eks: May sumbat ang isang Facebook user. Hindi niya maintindihan kung bakit maraming puna kay dating Presidente Marcos.

Ano bang chika? Sa Facebook post ni Babaeng May Pagmamahal, inisa-isa niya ang mga naipagawa ni dating diktador Ferdinand Marcos Sr. Kabilang sa listahan ang Philippine National Railways (PNR) at Metro Rail Transit (MRT). Hamon niya sa mga kritiko ng mga Marcos, huwag gamitin ang mga imprastrakturang ito. Ang sagot ng fact - checking namin? EKS.
Read More
FALSE

Tsek/Eks: Uy. Pasado na raw ang batas na magpu-push sa P820 minimum wage sa Central Luzon.

Tsek/Eks: Uy. Pasado na raw ang batas na magpu-push sa P820 minimum wage sa Central Luzon. Good news no? Pero wait, fact #tsek muna bago mag-celebrate.
Read More
FALSE

Tsek/Eks: May nag-tweet! May bagong statement daw si outgoing Vice President Leni Robredo. Ang target: ang bagong gobyerno.

Walang ganitong statement si Robredo na naiulat kahit saan mang lehitimong news organization. Lumabas ang fake tweet ilang araw matapos i-anunsyo ng outgoing VP ang paglulunsad ng Angat Buhay NGO sa July 1 sa thanksgiving event ng kanyang supporters sa Ateneo De Manila University noong Mayo 13. Inaasahan ang NGO na maging pinakamalaking volunteer network sa bansa.
Read More
FALSE

Fact check: DOST warns public vs fake group, pages bearing agency's name on social media

he Department of Science and Technology has cautioned the public over unauthorized social media accounts claiming to be affiliated with the agency.
Read More
OTHER

Tsek/Eks: Ginagawa na naming hobby ang pagtambay sa Tiktok, kaya nakita namin sa aming feed ang post ni kapengbarakoph na may halos 31K views

Laman nito ang pagpapawalang-sala kay dating Unang Ginang Imelda Marcos at sa isang Hector Rivera kaugnay sa iligal na pagbukas ng bank accounts sa Switzerland. Naglagay ang uploader ng text sa video na nagsasabing ibinasura na ang mga kasong isinampa ni dating Pangulong Cory Aquino upang manakaw raw ang ill-gotten wealth ng Marcoses. Nag-fact #tsek kami, at ito ang maikling sagot - EKS. Misleading ito.
Read More
OTHER

Tsek/Eks: Ilang araw bago bumaba si VP Leni Robredo sa puwesto, isa na namang unverified post ang umatake sa kanya.

Patong-patong raw ang kaso ni VP Leni Robredo ayon sa Tiktok entry ni user 'php.original.' In-upload nito ang isang report ng programang '24 Oras' ng GMA. Ang sabi sa video, may mga kaso pang kinakaharap si Robredo dahil sa pagtatangkang patalsikin si Pangulong Duterte. Chineck namin at ang rating nito: Isang malaking EKS. Misleading ang post na ito.
Read More