Impostor ang Facebook account na may pangalang "PHILIPPINE EMBASSY IN KUWAIT" na nagpapakalat ng hindi opisyal o maling impormasyon mula diumano sa embahada.
Walang alok na scholarship program ang DSWD kung saan diumano'y namimigay ito sa mga estudyante ng P6,500 allowance, libreng laptop, cellphone, school supplies, at P7,000 allowance para sa kanilang mga magulang.
Impostor ang website ng Land Bank of the Philippines na umano'y mamimigay ng papremyong P7,000 sa mga sasagot ng questionnaire kung saan kailangan ilagay ng mga sasali sa promo ang kanilang personal na impormasyon.
Mali ang mga kumakalat na post sa social media at sa chat na hindi na umano maninita sa kalye ang mga MMDA traffic enforcer ngayong ipinatutupad na ang "No-Contact Apprehension Policy." Ayon pa sa maling post, panonoorin na lamang ng mga taga-MMDA ang CCTV.