FALSE

Hindi totoong galing kay CBCP President Bishop Pablo Virgilio David ang kumakalat na post sa Facebook na may pamagat na "Strong words from Bishop Ambo David"

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong galing kay CBCP President Bishop Pablo Virgilio David ang kumakalat na post sa Facebook na may pamagat na "Strong words from Bishop Ambo David" kung saan inisa-isa diumano ni Bishop David ang mga nangyaring kahinahinala noong nagdaang eleksyon at nagpasaring sa diumano'y maduming pagkapanalo ni Marcos. Mariin itong pinabulaanan ni Bishop David sa isa niyang post sa Facebook. Pakiusap niya, tigilan na ang pagpapakalat nito.
Read More
FALSE

Fact check: Reyna ng United Kingdom binati si Marcos sa panalo? Hindi kaya

Kumakalat online ang isang quote card kung saan binabati ni Queen Elizabeth II ng United Kingdom si 2022 presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kanyang napipintong pagkapanalo - ang problema, hindi totoong sinabi niya 'yan.
Read More
FALSE

Walang anumang anunsiyo ang pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng umano'y 'total hard lockdown' sa buong Pilipinas sa Mayo 11

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang anumang anunsiyo ang pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng umano'y "total hard lockdown" sa buong Pilipinas simula bukas, Mayo 11.
Read More
FALSE

Hindi totoong diskwalipikado na si presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong diskuwalipikado na si presidential frontrunner dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., taliwas sa mga kumakalat sa social media. Sa katunayan, ngayong araw, Mayo 10, kinumpirma ng Commission on Elections en banc ang naunang desisyon ng mga dibisyon nito na ibasura ang tatlong disqualification cases laban kay Marcos at isang petisyon para kanselahin ang kaniyang kandidatura. Nangunguna sa partial, unofficial results mula sa Comelec aggregated data si Marcos na mayroon nang halos 31 milyong boto (as of 3:47 pm).
Read More
FALSE

Isang impostor o pekeng account ang Facebook page na may pangalang 'Halalan 2022'

#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Isang impostor o pekeng account ang Facebook page na may pangalang 'Halalan 2022' (@VoteSafePilipinas2022) na nagpapalabas ng livestream ng iba't-ibang news outlets kasama na ang ABS-CBN News. Nangangako rin itong magpapakita umano ng live voting results. Upang makalito ng mga tao, ginagamit ng nasabing pekeng FB account ang profile picture at cover photo ng opisyal na Facebook page ng Comiision on Elections (@comelec.ph). Ayon kay Comelec Education and Information Department Director Frances Arabe, 'fake' ang nasabing Facebook page. Ayon sa page transparency ng pekeng Facebook page, ginawa ito nito lamang Mayo 6. Paalala ng Comelec, kumuha lamang ng impormasyon sa kanilang opisyal at verified na social media pages.
Read More
OTHER

Mali ang alegasyon ng isang Twitter post ng posibleng dayaan di umano sa Pasay dahil sa kawalan ng VCM sa "special allocated area"

#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Mali ang alegasyon ng isang Twitter post ng posibleng dayaan di umano sa Pasay dahil walang Vote Counting Machine (VCM) sa 'special allocated voting area' para sa 'seniors/pwd.
Read More